Anti-communist task force magdadagdag pa ng spokespersons

NAKATAKDANG magdagdag pa ng mga tagapagsalita ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Ayon kay Presidential Communications Usec. Joel Egco, isa sa mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC, bukod sa mga national spokespersons ay magkakaroon na rin ng tagapagsalita sa bawat rehiyon.


“Ang ating principle dito one message, a thousand messengers, a thousand voices with the same line of messaging. Isa lang naman ang messaging natin dito: to end local communist armed conflict,” ani Egco.
“This move is strengthening and reinvigorating the communications team of NTF-ELCAC. There were gaps, we admit that, and this is our way of filing those gaps,” dagdag niya.


Sa kasalukuyan ay walo na ang mga tagapagsalita ng NTC-ELCAC kabilang sina:
*Lt. General Antonio Parlade
*PCOO Usec. Lorraine Marie Badoy
*DILG Usec. Jonathan Malaya
*Usec. Severo Catura
“Assistant Sec. Celine Pialago
*Atty. Marlon Bosantog
Gayedelle Florendo
*Usec. Joel Egco


Ani Egco, gaya nilang walo ay wala ring sweldong matatanggap ang mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa mga rehiyon.