ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos ang anak ni dating Transportation secretary Arthur Tugade na si Jose Arturo Maddela Tugade bilang general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Kinumpirma ni Office of Press Secretary office-in-charge Cheloy Garafil ang pagkakahirang sa nakababatang Tugade.
Pinalitan ni Tugade si Cesar Chiong.
Nagsilbi ang matandang Tugade noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.