HINDI na kakailanganin pang ipa-drug test ang anak ni Justice Secretary Boying Remulla na nahuli sa drug operation sa Las Pinas kamakailan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency said nitong Sabado.
Sinabi ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na tumanggi si Juanito Jose Diaz Remulla III na sumailalim sa sa drug testing base na rin sa payo ng kanyang abogado.
Nadakip si Remulla nitong Martes sa isang drug operation sa Las Pinas City kung saan nakuha sa kanya ang may P1.3 halaga ng kush o high grade na marijuana.
Kung sakaling magpositibo sa drug test, madadagdagan ang kaso ni Remulla (paggamit ng ipinagbabawal na gamot) o paglabas a Section 15 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002. Ito ay may katumbas na anim na buwan na drug rehabilitation para sa first time offender.
Ngunit sinabi ni Carreon na hindi na rin kinakailangan ito.
“A drug test will likewise not be material to [the other drug charges he is facing],” ayon kay Carreon.
Nitong Biyernes, sinampahan ng kasong illegal possession of drugs si Remulla ng Las Piñas City prosecutor at nagrekomenda ng walang piyansa.