Alice Guo, Sual Mayor Calugay may anak nga ba?

LUMUTANG sa isinasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa Philippine offshore gaming operators (Pogos) nitong Martes and umano’y relasyon ng dinismis na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at ni Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay.

“In fact may nakuha po kaming information na kayo mismo ang nagsabi sa kanila na girlfriend ni  Mayor Calugay si Guo Hua Ping,” ayon kay Senador Risa Hontiveros habang tinatanong nito ang executive assistant ni Calugay na si Cheryl Medina.

Nausisa ito ni Hontiveros upang ma-establish ang link ni Guo kay Calugay.

“Bukod pa dyan,  kinwento nyo pa raw sa kanila  na may anak silang dalawa.  Anong masasabi po ninyo tungkol dito?” tanong pa ni Hontiveros kay Medina na mariin namang itinanggi ng huli.

“Wala po your honor, wala po,” sagot nito.

Nakaladkad si Medina sa imbestigasyon matapos lumabas sa pagdinig na siya ang tumulong sa staff ni Guo para i-notarize ang counter affidavit ng sinibak na mayor para sa human trafficking case na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice.

Una nang sinabi ng abogadong si Elmer Galicia na personal umanong humarap sa kanyan si Guo noong Agosto 14, 2024 para lagdaan ang notaryo.

Ngunit inamin ni Guo na nakalabas na siya ng bansa noon pang Hulyo.