POSIBLENG hindi muling makadalo ang suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, sa gagawing pagdinig ng Senado sa Miyerkules, Hulyo 10, hinggil sa kontrobersyal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ayon sa abogado ni Guo na si Stephen David, sobrang na-stress at na-trauma ang kanyang kliyente sa mga nakalipas na pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros dahil sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.
Gayunman, sinabi ni David na “up to the senators” kung papayagan nilang dumalo sa pagdinig si Guo sa pamamagitan ng online.
Samantala, sinabi ni Hontiveros na walang ibang opsyon si Guo kundi daluhan ang pagdinig.
“If she doesn’t honor the subpoena, the Senate is well within its rights to issue an arrest order. Dumalo na lang siya sa hearing sa Miyerkules para wala nang drama,” pahayag ni Hontiveros.
“Mental health is important but she cannot invoke it to escape accountability, lalo na na public servant siya. She dug her own grave. We merely asked basic questions that any upright human being could answer. Ngayong na wala na siyang lusot, nagpapa-victim siya.