TATAKBONG muli sa pagka-alkalde si Guo Hua Ping alias Alice Guo, sa bayan ng Bamban, Tarlac, sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon sa kanyang abogado na si Stephen David, maghahain si Guo ng kanyang kandidatura sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 8.
“Definitely, she will be running for Mayor,” ayon kay David nang makapanayam ito sa Department of Justice.
Una nang inihayag ng election lawyer na si Romulo Macalintal na maaari pa ring tumakbo si Guo lalo pa’t wala pa itong convcition sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
Dahil sa mga kasong hinaharap gaya ng graft, qualified human trafficking, money laundering at tax evasion, dinismis na rin ng Ombudsman si Guo bilang alkalde ng Bamban.
Kasalukuyang iniimbestigahan si Guo dahil sa diumano’y link nito sa ilegal na operason ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Kasalukuyang nakadetine si Guo sa Pasig City jail matapos siyang maaresto sa Jakarta, Indonesia noong isang buwan.