Aktres nagpasaring kay Isko

PINUNA ng aktres na si Rita Avila si Manila Mayor Isko Moreno makaraan nitong kastiguhin si Vice President Leni Robredo.


Sa Instagram, tinawag ni Rita si Isko na disrespectful, two-faced at trapo.


“OK, I have no more question, your Honor. #mayorisko #twofaced #rude #disrespectful
sabi nga ng marami ay #trapo,” ani Rita.


Dagdag pa niya, ipinakita na ni Isko ang tunay nitong ugali.


“Ang tunay na ginto ay kumikinang. Ang tinubog lang ay lumalabas ang tunay na kulay. Sabi mo fake c VP Leni. Wala pa shang nagawang kasinungalingan at papalit-palit g mukha. Sabi mo ang Otso Deretso ay inidoro, eh kasama mo sa party list si Samira Gutoc,” dagdag ng aktres


Nauna ring binatikos ni Rita si Yorme dahil tinawag nitong “yellowtard” si Robredo.


“Maganda nga ang sinabi tungkol sa yo ni VP Leni. At ikaw din maganda sinabi mo sa kanya nung nakaraan. After a few days ganyan kana? Gollum lang? Paiba-iba ng mukha at sinasabi? At yellowtards pa talaga ha? Ako nga ayoko pag tinatawag ang mga DDS ng dutertards kasi d naman dapat magpakababa ng pagkatao by calling them that just bec. DDS sila. Tao pa din sila. Pasensya na ha? Pero salamat sa pagpapakita mo ng kulay. #mayoriskomoreno #dds” dagdag pa ng aktres.


Matatandaan na noong 1990s ay magkasama sa isang production company sina Rita at Isko. –A. Mae Rodriguez