UMAPELA ang character actor na si DJ Durano sa publiko na huwag husgahan ang mga artistang tatakbo sa midterm elections sa susunod na taon.
Sa isang panayam, iginiit ni DJ na walang ibang layunin ang mga artista kundi maglingkod sa masa.
“If you can see what progress Richard Gomez has given to Ormoc I think that would be no question,” aniya.
“Huwag nating maliitin ang pagiging artista. I think it’s just on how artists…show to people on how we would love to serve them. I think that’s the bottomline. Service for the people,” dagdag niya.
Kakandidato si DJ sa pagkaalkalde ng Sogod, Cebu sa ilalim ng Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya Party.
Isa sa kanyang makakalaban ay ang kapatid niyang reelectionist na si Monyeen Durano-Streegan.
“I won’t say anything bad to her. All love,” wika niya sa nakatakdang paghaharap nila ng kapatid sa 2025 polls.