Agree ka ba, kapubliko? ‘Pacman pangulong kailangan ng bayan’

PARA kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, si Sen. Manny Pacquiao ang pangulo na kailangan ngayon ng Pilipinas kaya dapat na nitong ihayag ang kanyang kandidatura.


Ayon kay Pimentel, handa na ang kapartido niyang si Pacquiao sa posibilidad ng pagtakbo kaya mas mabuting magdeklara na ito habang maaga.


“(Pacquiao) has many ideas and he has been explaining his ideas, his programs of government, his platform and there are many people from different sectors of our society and different socioeconomic classes who have pledged support to him,” ani Pimentel, ang executive vice-chairman at dating president ng PDP-Laban.


“This is what we need, this is the leader that we need, the president that we need,” dagdag niya.


Sinabi ni Pimentel na may plano sa bayan, may puso sa mahihirap at may malaking suporta sa mga Pilipino si Pacquiao.


Payo niya sa boxing champion at mambabatas: “Declare na in August or September. Hindi pwedeng i-delay masyado ‘yan.”


Si Pacquiao ang kasalukuyang presidente of PDP-Laban.