NAGTATANONG ka ba o nanghuhusga?
Ito ang hirit ng nga netizens kay singer/actress Agot isidro makaraan niyang uriraratin sa Duterte administration kung saan napunta ang bilyon-bilyong pisong inutang ng pamahalaan para sa Covid response.
“May accounting na ba nung inutang na P754 billion for the COVID pandemic response?” ani Isidro sa kanyang post sa Twitter.
“Tanong ng bayan. Kasi kami po magbabayad nyan,” dagdag niya.
Gaya ng inaasahan, kinuyog si Isidro ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte.
‘Mga bobo talaga kayo…Ang auditing ng isang Procurement Transaction, after the complete delivery ng items na binili…saka hindi sa Twitter tinatanong yan, sa COA, mga lukot ang utak.”
“Tanong ng bayan o tanong mo lang? Lapit na nga pala election kaya masipag na namang bumanat ang biba hahahaha.”
“Wala kang naitutulong sa bansa kaya wag kana umepal intindihin mo yung career mo kung meron pa.”
“Dipa nga tapos nagtatanong kana? excited lang? puro ka reklamo sa buhay anong tanong ng bayan? ikaw lang kaya nagtatanong.”