NANAWAGAN si Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules sa mga heneral at full colonel na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng kampanya para linisin ang Philippine National Police mula sa mga police scalawags.
Sa press conference, sinabi ni Abalos na kabilang si Chief PNP General Rodolfo Azurin Jr., ang inaasahan na unang magpapasa ng kanyang resignation.
“At ayon sa rekomendasyon ng PNP at ng ilang kapulisan, ako ay nananawagan sa lahat ng full colonel, hanggang sa general – ako ay umaapela na mag-submit [sila] ng courtesy resignation,” ani Abalos.
Pagkatapos any ng resignation saka isasalang ang mga ito sa review ng isang komite. Dito sisilipin ang kanilang mga rekord para makita nang mabuti kung sila ay may kaugnayan sa sa illegal drug trade. Sa sandaling mapatunayan na may link sila sa drugs, doon na sila tuluyang papayagang magbitiw.
Paliwanag ni Abalos na ito ang nakikita niyang mabilis na proseso para matanggal ang mga pulis na sabit sa droga.
“We’ve been doing that at alam mo naman – ang tagal ng proseso ng husgado, ang technicality, ang lahat. Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ito ay ang short cut dito, if you want it that way. That’s why I’m appealing to them,” anya pa.