9 pambato ng admin pasok sa magic 12; Bong Go, Kuya Wil pumuwesto rin

SIYAM na pambato ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang pasok sa pinakahuling survey ng OCTA Research para sa senador.

Nanguna si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa listahan ng mga kandidatong pasok sa survey na ginawa ng OCTA Research mula Enero 25 hanggang 31. Nakapagtala ito ng 70 percent voter preference.

Ang kapatid nitong si Ben Tulfo ay nasa second-third spot na may 60 percent habang nasa ikalawa hanggang ika-apat na pwesto naman ang pambato ng nakaraang administrasyon na si Senador Bong Go na may 58 percent voter preference.

Si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang nasa third-eighth spot na 52 percent.

Pasok din sa winning circle si Willie Revillame na nasa ika-4 hanggang 11th place at ka-tie si dating Senador Panfilo Lacson na parehong nakakuha ng 48 percent.

Narito ang iba pa na nasa listahan ng magic 12
Ramon “Bong” Revilla Jr. — 4th to 11th with 49 percent
Pia Cayetano — 4th to 11th with 46 percent
Manny Pacquiao– 5th to 12th with 45 percent
Imee Marcos — 5th to 13th with 44 percent,
Lito Lapid — 5th to 14th with 43 percent
Benjamin “Benhur” Abalos Jr. — 9th to 16th with 39 percent