MULA 7,000 hanggang 8,000 pulis ang ipakakalat upang matiyak ang seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bgbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30 sa National Museuam, ayon kay Manila Police District (MPD) chief Police Brigadier General Leo Francisco nitong Lunes.
Sinabi ni Francisco, ang mga pulis ay magmumula sa MPD at National Capital Region Police Office (NCRPO).
“Sa panig ng MPD, meron kaming 4,400 na kapulisan at iyan ay lahat ide-deploy ko para sa inagurasyon ng ating bagong presidente,” ayon kay Francisco.
“Ako ay bibigyan ng additional complement galing sa NCRPO at sa National Headquarters so we are looking about 7,000 to 8,000 police na puwede i-deploy that day,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, sinabi ni Francisco na wala pa umano silang namomonitor na pagbabanta ng kaguluhan sa nalalapit na inagurasyon ni Marcos Jr. na isasagawa sa National Museum of the Philippines.