SINABI ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Colonel Jean Fajard na umabot na sa 60 porsiyento ng mga heneral at colonel ang nagsumite ng kanilang mga courtesy resignation matapos ang panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos.
“As of this morning ay nasa around 60 porsiyento na, or mga more or less nasa 500 plus na iyong nag-submit po ng mga courtesy resignation, at inaasahan nga natin na itong linggo na ito ay mas marami pa tayong makakalap na mga kopya ng resignation letters dahil iyong iba ay manggagaling pa sa mga rehiyon at provincial offices ng PNP,” sabi ni Fajardo sa Laging Handa briefing.
Idinagdag ni Fajardp na isusumite ang 956 resignation letter sa five-man committee na siyang magrerepaso rito.
“Hinihintay natin na mabuo itong five-man team committee na ito para magsimula na rin iyong conduct ng evaluation and assessment para nga once and for all ay malinis ang hanay ng pambansang kapulisan doon sa mga isyu ng mga involvement ng mga ilang pulis sa illegal drug activities,” dagdag ni Fajardo.
Sinabi ni Abalos na may ilang matataas na opisyal ng PNP ang sangkot sa illegal na droga dahilan para manawagan siya ng kusang pagsusumite ng courtesy resignation ng mga opisyal.