ISUSULONG ni President-elect ang pagpapalawig ng termino ng mga barangay officials sa limang taon.
Ginawa ni Executive Secretary-designate Vic Rodriguez ang announcement matapos siyang parangalan ng 142 barangay sa Quezon City dahil sa kanyang mga achievement.
“We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” ayon kay Rodriguez.
“But we are open to all options that are being presented to us including the possibility of passing a law and making the term of barangay captains to five years, still subject to three terms,” dagdag pa nito.
Ayon kay Rodriguez, na dati ring barangay captain, ang pag-amyenda sa termino ng mga opisyal ng barangay ay makatutulong para maisaayos ang pamamahala sa barangay. Maiiwasan din ang nakagiwaang pag-postpone sa barangay elections.
“For me as a former barangay captain, I think mas may wisdom na gawin nating five years ‘yan kesa extension, extension, extension, and extension because we are working against the spirit of our law, the bible of the Local Government Units – the 1992 Local Government Code. So instead of violating the spirit of the law, we might as well extend natin siguro ‘yan and provide stability in your leadership, provide stability in governance,” dagdag pa nito.