SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na tatlong malalaking Japanese firms ang nangako na magi-invest sa isinusulong sa Kamara na Maharlika Investment Fund (MIF).
Gayunman, hindi tinukoy ni Marcos kung ano-anong kompanya ang mga ito.
“We have some commitments but I don’t think it’s appropriate for me to name who they are. But they have – there were already three commitments, substantial amounts that they are willing to invest in the fund. So we can begin there,” ani Marcos.
Dumating sa bansa si Marcos Linggo ng gabi matapos ang ilang araw na Official Visit sa Tokyo.
Bukod anya sa commitment ng tatlong pribadong kompanya, nangako rin ang pamahalaan ng Japan na tutulong ito sa pagpopondo sa nasabing MIF.
Matatandaan na sinertipikahan ni Marcos bilang urgent bill ang House Bill 6608 na inaprubahan noong Disyembre ng Kamara at ngayon ay nasa kamay na ng Senado.