3 Duterte tatakbong senador sa 2025

TATAKBONG senador sa 2025 elections si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga anak nitong sina Davao 1st district Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Ito ang sinabi ngayong Martes ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview sa Cagayan de Oro City.

“There will be three Dutertes next year,” ayon kay Sara.

Sinabi rin nito na pinag-iisipan na rin anya ng kanyang bunsong kapatid na tumakbong presidente sa 2028.