BAGONG impeachment complaint ang inihain ngayong Miyerkules laban kay Vice President Sara Duterte ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).
Ang bagong complaint ay sinusugan ng 70 complainants na binubuo ng mga lider ng iba’t ibang sektor gaya ng mga kabataan, guro, government employees, health workers at multi-sectoral group.
Kinondena ng mga ito ang diumano’y “betrayal of public trust” na ginawa ni Duterte dahil sa isyu ng confidential funds na hindi nito maipaliwanag.
Pinangunahan ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares ang paghahain ng complaint.
“Pwede naman kaming magdagdag ng marami pa, pero the betrayal of public trust, it encompasses everything, because maytoong tiwala ang publiko sa iyo. Tinaksilan mo ‘yun, and that is for us, one of the highest, if not the highest treachery ng isang public official,” pahayag nito.