NASA 287 Chinese maritime militia vessels at ilang Vietnamese ships ang namataan sa ibat-ibang lugar malapit sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.
Ayon sa ulat ng National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS), naispatan ang mga sasakyang pandagat sa loob at labas ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa kanilang pagpapaptrolya noong Mayo 9.
Ayon kay NTF-WPS spokesman Assistant Sec. Omar Romero, pinakamaraming nakahimpil na militia vessels malapit sa artificial islands ng China habang ang iba ay nakita malapit sa mga islang pag-aari ng Pilipinas.
Aniya, dalawang Chinese militia vessels at dalawang houbei class missile warships ang naobserbahan sa loob ng Panganiban Reef; isang Chinese vessel sa Lawak island, 11 sa Recto Bank, at isa sa Ayungin Shoal.
“Aside from these, one Chinese Coast Guard vessel was seen at Ayungin Shoal during a May 7 patrol,” dagdag ng opisyal.
“As for the features forming part of the Pagkakaisa Banks, the 9 May 2021 maritime patrol reported the presence of 34 CMMs at Julian Felipe Reef, two Vietnamese logistics/supply ships and one Vietnamese Coast Guard vessel at Sin Cowe East Reef and 77 CMMs in Chigua Reef,” dagdag ni Romero.
Mayroon din nakitang 14 na Chinese maritime militia vessels sa Panata Island, isang Vietnamese fishing vessel sa Kota Island, 64 na Chinese militia vessels sa Burgon Reef North, dalawang Vietnamese fisheries surveillance ships at isang Chinese rescue service ship sa Paredes Reef, at 55 Chinese militia vessels sa Kagitingan Reef.