APRUBADO na ng bicameral conference committee ang panukalang budget para sa 2025 na P6.252 trilyon.
Kasabay nito, pinanindigan ng mga miyembro ng komite na segundahan ang panukala ng House of Representatives na bawasan ang budget ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng P1.3 bilyon bunsod ng mga kontrobersya na kinakaharap nito dahil sa hindi mapaliwanag na confidential funds noong 2023.
Kinatay rin ang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Sa bicam-approved budget, nawalan ang DSWD ng P96 bilyon habang P74.4 bilyon naman ang PhilHealth.
Big winner namang maitutuwing ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos taasan ng P289 bilyon ang budget nito. Dahil dito, lumobo sa P1.1 trilyon ang budget ng DPWH mula sa P825 miyon.
Tumabo rin ang Kamara dahil sa 100 percent na pag-angat ng budget nito. Sa ilalim ng panukala, makakuha ng P33.7 bilyon budget ang Kamara mula sa P16.3 bilyon nitong panukala.
Ang pet project ng Kamara na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (Akap) ay hindi rin natapyasan ng budget.
Mananatili ang AKAP budget nitong P26 bilyon.
Miyerkules ng gabi nang ratipikahan ng Kamara at Senado ang reconciled version ng national budget.
Isusumite ang aprubadong budget sa Malacanang para mapirmahan ng pangulo.