“WALA akong nakikitang deserving.”
Ito ang walang kakurap-kurap na sinabi ni Pangulong Duterte hinggil sa kung sino ang nakikita niyang dapat na pumalit sa kanya pagkatapos ng kanyang termino sa susunod na taon.
Hindi naman niya tinukoy kung ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte ay kabilang sa mga sinasabi niyang tila walang karapatang mag-pangulong.
Anya, ayaw raw niyang tumakbo ang anak bilang pangulo dahil sa hirap ng trabaho na kakaharapin sakaling siya ay maluklok.
“Well, si Inday, kagabi man ako dumating, si Inday, kinausap ko talaga kagabi, do not run. Do not ever commit the mistake of running for presidency. I don’t mean to insult the Filipino people, presidente, wala ka talagang makuha,” sabi ni Duterte sa isang panayam.
“Wala para sa iyo, except for one thing, yung sense of fulfillment mo sa kapwa tao mo, na may nagawa ka, aside from that, it’s empty.
“Puro ka na lang tabaho dyan, now unless magtakbo ka ng presidente, tapos mangurakot ka, oul become a billionaire or millionaire whichever you want, pero is that the life you want, kung sobra-sobrang pera, aanhin mo naman yan,” dagdag pa nito.
Si Sara ang napipiling patakbuhin ng partido ng administrasyon, ang PDP-Laban.