NANINIWALA si Interior Secretary Eduardo Año na hindi na mag-aapela ang gobyerno kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Anti-Terror Act.
Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni Año na bagamat naniniwala siyang hindi na kailangang maghain ng mosyon ang pamahalaan, nasa desisyon pa rin ng Office of Solicitor General (OSG) ang desisyon kaugnay ng susunod na hakbang.
“We welcome the decision of the Supreme Court, in fact, natutuwa tayo na ang Anti-Terrorism Act of 2020 ay nadeklarang Constitutional except for minimal items,” sabi ni Año.
Idinagdag ni Año na kabilang sa mga idineklarang unconstitutional sa batas ang section 4 at 25.
“Yung sa section 4, ito yung rallies, dissent, stoppage of work, mass action, or freedom of epxressed which does not intent to cause death or serious injury which we agree naman, okay lang naman at section 25, dagdag ni Ano.
“Sa tingin ko hindi na kami mag-aappeal masaya na kami sa ruling ng Supreme Court. Makakapag-focus na kami sa mga gustong maghasik ng lagim sa bansa, aniya.