PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas Republic Act No. 11659 na nag-ootorisa sa mga banyaga na 100 porsiyentong makapag-may-ari ng telcos, airlines, at railways sa Pilipinas.
Inamyendahan nito ang 85-anyos na Commonwealth Act 146 o ang Public Service Act.
“I believe that through this law, the easing out of foreign equity restrictions will attract more global investors, modernize several sectors of public service, and improve the delivery of essential services,” sabi ni Duterte.
Hindi naman sakop ng batas ang public utility vehicles, tubig, elektrisidad, petroleum pipelines, at seaports.