NANINIWALA si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas, na nakatakdang magretiro sa Mayo 8, na naging matagumpay ang limang buwan niyang pagiging pinuno ng pwersa ng kapulisan.
“I think I did my best, I served the people and the PNP. I believe I made a difference,” ani Sinas na ipagdiriwang ang kanyang ika-56 kaarawan sa Sabado.
Dagdag niya, wala pa siyang plano maliban sa magpahinga.
Hirit niya, naging isang malaking hamon para sa kanya ang iiwan niyang posisyon. “(But) the most challenging? The Covid-19” aniya pa.
Itinalaga si Sinas bilang PNP chief noong Nobyembre 10, 2020.
Ilan sa mga napipisil na humalili sa kanya sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP deputy chief for administration; Brig. Gen. Vicente Danao, National Capital Region Police Office chief; Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, PNP deputy chief for operations; Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, PNP chief directorial staff.