MUNTIK mapuruhan si dating US President Donald Trump nang magpaulan ng bala ang hindi pa nakikilalang salarin habang nasa Pennsylvania rally.
Nagtamo ng tama ng bala sa tenga ang dating pangulo habang isang expectator ang nasawi at dalawang iba pa ang matinding nasugatan sa insidente.
Sa mga video footage, madaling inialis si Trump mula sa stage matapos magpaulan ng sunod-sunod na paputok.
Sa kanyang post sa Truth Social network, sinabi ni Trump na nasugatan ang kanyang kanang tenga.
“I knew immediately that something was wrong in that I heard a whizzing sound, shots, and immediately felt the bullet ripping through the skin,” ayon kay Trump.
“Much bleeding took place, so I realized then what was happening.”
Kita rin sa mga footage ang duguang tenga at mukha ni Trump.
Samantala,, binaril at napatay din ang suspek ng mga Secret Service officers.
Ayon sa mga ulata, ang lalaking attacker ay armado ng rifle at nagpaputok mula sa isang elevated structure ilang daang metro ang layo mula sa labas ng rally venue.
Ikinokonsidera na rin ng mga awtoridad na isang assassination attempt ang ginawa kay Trump.