LIBRE pa rin makapasok ng Taiwan ang mga Pinoy matapos ipatupad nito ang visa-free program hanggang Hulyo 31, 2023.
Kasabay nito, sinabi ni Taipei Economic and Cultural Office (TECO) Representative Peiyung Hsu na isa ang mga Filipino sa mga paborito nitong bisita dahil hindi umano “kuripot”.
“As Taiwan has reinstated the 14-day visa-free program for Filipinos until July 31, 2023, I hope to see more Filipino friends explore the beauty of Taiwan,” ayon kay Hsu sa isinaganwang tourism workshop sa Pasay.
“Among all ASEAN countries you are the most welcome because you spend,” dagdag nito.
Matatandaan na ibinalik ng Taiwan ang visa-free entry scheme sa mga Pinoy noong September 2022, at tatagal hanggang hulyo 31, 2023.
Umaasa naman si Hsu na magbibigay din ang Pilipinas ng free-visa entry sa mga taga Taiwan.