DALAWANG magkasunod na 5.9 magnitude na lindol ang yumanig sa Taiwan Lunes ng hapon.
Naitala ang unang pagyanig alas-5:45 ng hapon at makalipas ang pitong minuto ay sumunod ang panibagong lindol, na parehong may lakas na 5.9 magnitude na naramdaman sa Taipei, ayon sa Central Weather Administration (CWA).
Ang unang lindol ay naitala sa katubigan ng Hualien County sa silangang bahagi ng Taiwan, habang ang epicente ay na-locate 26 kilometro timog ng Hualien County Hall na may lalim na 15.6 kilometro.
Ang ikalawang magnitude 5.9 na lindol ay naganap alas-5:52 ng ahpon, sa nasabi ring lugar habang ang epicente ay naitala 27.8 km timog ng Hualien County Hall, na may lalim na 16.1 km.
Matatandaan na noong Abril 3, niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang Taiwan, pinakamalakas na naramdaman sa nakalipas na 25 taon.