Russian journalist ibinenta Nobel medal para sa mga bata sa Ukraine

IBINENTA ni Dmitry Muratov, ang Russian editor-in-chief ng independent newspaper Novaya Gazeta, ang kanyang Nobel Peace Prize gold medal.

Ipina-auction ni Muratov ang medalya sa halagang $103.5 milyon para makatulong sa mga bata sa Ukraine na nawalan ng tirahan dahil sa panggigiyera ng Russia.

Lahat ng kikitain ay mapupunta sa UNICEF Humanitarian Response for Ukrainian Children Displaced by War, ayon sa Heritage Auctions.

Tinanggap ni Muratov ang premyo noong 2021 kasama ang Pinoy na journalist na si Maria Ressa.