DAAN-DAAN katao ang nag-apply sa real-life Squid Game na gaganapin sa Martes sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates pero 30 lang ang pipiliin.
Klinaro naman Korean Cultural Center sa nasabing siyudad, ang sponsor ng palaro, na walang mamamatay pero wala ring premyo sa mananalo.
Ayon kay Nam Chan-woo, director ng KCC, layon lamang ng palaro na ipakilala sa mga taga-UAE ang kultura ng mga Koreano.
“Just as K-Pop gained worldwide popularity through YouTube in the 2010s, I think platforms such as Netflix would be a channel for the global spread of Korean video content such as dramas and movies,” aniya.
Gaya ng napapanood sa Netflix series, magsusuot ang mga contestant ng katulad na costume ng mga artista habang ang miyembro ng staff ay naka-circle, triangle, at square outfits.
Apat lang sa anim na laro ng nasabing series ang gaganapin. Hindi kasali ang squid game at tug-of-war, pero idadagdag ang ddjaki na nilaro ng Salesman at Seonh Go Hun sa episode one.
At para ligtas ang mga sasali, sponge gun lang ang gagamitin imbes na totoong baril habang sa sahig lalaruin ang game of glass.
“If the event is successful, it may even give rise to more Squid Games held around the world—possibly with the promise of prize money too,” ayon kay Nam.