KINASUHAN ng United States prosecutors ang “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe” na si Apollo Quiboloy ng sex-trafficking dahil umano sa pakikipagtalik sa mga kabataang babae.
Ayon sa 74-pahinang ‘indictment charges,” kinasuhan ang pastor at dalawang pang simbahan dahil sa pagpapatakbo ng operasyon ng sex-trafficking kung saan ang biktima ng mga ito ay mga 12-anyos at pababa.
Sinabi ng federal prosecutors sa Los Angeles na ginagamit ni Quiboloy ang mga babaeng edad 12 hanggang 25 bilang maging personal assistant nito. Kailangan nilang ihanda ang pagkain ni Quiboloy, linisin ang kanyang mga tirahan, imasahe, at makipagtalik sa kanya na tinatawag nilang “night duty.”
Humihingi rin umano ito ng mga donasyon na ginagamit niya para sa kanyang “lavish lifestyle.”
Si Quiboloy ang lider ng Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao City.
Siya ay matagal nang kaibigan ni Pangulong Duterte. ng United States prosecutors ang “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe” na si Apollo Quiboloy ng sex-trafficking dahil umano sa pakikipagtalik sa mga kabataang babae.
Ayon sa 74-pahinang ‘indictment charges,” kinasuhan ang pastor at dalawang pang simbahan dahil sa pagpapatakbo ng operasyon ng sex-trafficking kung saan ang biktima ng mga ito ay mga 12-anyos at pababa.
Sinabi ng federal prosecutors sa Los Angeles na ginagamit ni Quiboloy ang mga babaeng edad 12 hanggang 25 bilang maging personal assistant nito. Kailangan nilang ihanda ang pagkain ni Quiboloy, linisin ang kanyang mga tirahan, imasahe, at makipagtalik sa kanya na tinatawag nilang “night duty.”
Humihingi rin umano ito ng mga donasyon na ginagamit niya para sa kanyang “lavish lifestyle.”
Si Quiboloy ang lider ng Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao City.
Siya ay matagal nang kaibigan ni Pangulong Duterte.