SUMAKABILANG-BUHAY na si Prince Philip, ang mister ni Queen Elizabeth II ng Britanya, sa edad na 99.
Sa Hunyo sana siya magdiriwang ng kanyang ika-100 na kaarawan.
Inanunsyo ng Buckingham Palace ang pagpanaw ng Duke of Edinburg ay isang malaking dagok sa 94-anyos na reyna. Ilang dekada ring nasa tabi palagi ng reyna ang mister at nagsilbing kanyang “strength and stay all these years”.
Nauna nang ipinasok sa ospital ang prinsipe noong Pebrero 16 dahil sa kayang sakit sa puso. Iniuwi rin siya ng bahay makalipas ang ilang araw.
Binakunahan silang mag-asawak kontra coronavirus disease nitong nakaraang Enero.
Dating piloto si Prince Philip at nagretiro sa kanyang public duties noong 2017.
Noong nakaraang Nobyembre, ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-73 taong pagsasama.