Prince Harry, Meghan may baby girl na

INANUNSYO nina Prince Harry at Meghan Markle ang pagsilang ng kanilang anak na babae na pinangalanan nila Lilibet Diana — pinagsamang pangalan ng lola ng prinsipe na si Queen Elizabeth at kanyang yumaong ina na si Princess Diana.

Si Lilibet Diana, ika-walo sa “line to the throne”, ay isinilang nitong Biyernes sa Santa Barbara sa California. Ang pamilya ay nakabalik na sa kanilang tahanan sa nasabi ring lugar.

“Lili is named after her great-grandmother, Her Majesty the Queen, whose family nickname is Lilibet. Her middle name, Diana, was chosen to honor her beloved late grandmother, the Princess of Wales,” ayon sa isang kalatas mula sa mag-asawa.

“She weighed 7 lbs 11 oz (3.5 kilograms). Both mother and child are healthy and well, and settling in at home,” dagdag pa ng statement.

Ikinatuwa naman ng Palasyo ang balita, ayon naman sa pahayag ng Buckingham Palace.