NAKA-confine ngayon si Pope Francis sa Agostino Gemelli Polyclinic hospital sa Roma simula ngayong Biyernes dahil sa bronchitis.
Sasailalim sa medical tests ang Papa dahil sa iniindang sakit.
“After his morning audiences, Pope Francis will be admitted to the Agostino Gemelli Polyclinic for necessary diagnostic tests and continued treatment for his ongoing bronchitis,” ayon sa Vatican press office.
Nitong mga nakaraang araw, naka-rely lang ang 88-anyos na Pontifico sa kanyang mga aides para basahin ang kanyang mga pahayag dahil sa kanyang sakit.
recently relied on aides to read his addresses, citing health concerns that left him unable to deliver them himself.
Noong Peb. 6, inilabas ng Vatican na may bronchitis ang Papa at nagpapahinga ito sa kanyang tahanan sa Casa Santa Marta.