PUMANAW na si Pope Emeritus Benedict XVI ngayong bisperas ng Bagong Taon, ayon sa Vatican. Siya ay 95 anyos.
Nasawi si Pope Benedict sa kanyang tirahan sa Mater Ecclesiae Monastery alas-9.34 ng umaga (oras sa Roma), ayon pa sa Vatican.
Ilalabas ang kanyang mga labi sa Saint Peter’s Basilica sa Lunes, Enero 2 para makapagluksa ang mga mananampalataya.
Matatandaan na nitong Miyerkules ay nakiusap si Pope Francis sa mga Katoliko na ipagdasal ang kalusugan ng kanyang sinundang Papa dahil sa lumalalang kondisyon ng kalusugan nito.
Noong 2013 nang magbitiw ang German na si Pope Benedict XVI dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan. Siya ang kauna-unahang papa ang nagbitiw sa kanyang pwesto sa loob ng 600 taon.