MARAMING Pilipino na nagtatrabaho sa India ang nais nang umuwi ng Pilipinas dahil sa dami ng namamatay sa Covid-19 sa nasabing bansa.
Ayon sa mga OFWs, malala ang sitwasyon sa India kaya marami sa kanila ang desperado nang makabalik ng Pilipinas.
Sinabi nila na natatakot silang mapabilang sa 200,000 nang namatay sa sakit at sa halos 300,000 mga bagong kaso.
Anila, nahihirapan silang makapunta ng airport dahil sa higpit ng seguridad.
Lalo pang nagdagdagan ang kanilang pag-aalala nang magpalabas ng travel ban ang Pilipinas sa lahat ng mga manggagaling sa India.
Kamakalawa ay iniulat ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr. na dalawang OFW ang namatay sa Covid-19 doon habang 18 iba pa ang nagpositibo sa virus.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 17 milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 sa naturang bansa.
Larawan mula sa: Al Jazeera