NALIGO sa dumi ng baka ang ilang taga-India sa paniniwalang makatutulong ito upang lumakas ang resistensiya at mapaglabanan ang Covid-19.
Tinawag nila itong “cow dung therapy” kung saan nagdarasal ang mga ito habang balot ang kanilang katawan ng dumi ng baka.
Samantala, gatas naman ng baka ang gamit nilang pambanlaw.
Paliwanag dito, “holy animal” o banal na hayop ang mga baka sa India, lalo na sa mga mananampalataya ng Hinduism.
Subalit walang sapat na ebidensiyang nagsasabing makatutulong ito laban sa Covid, ayon sa mga doktor sa India.
“There is no concrete scientific evidence that cow dung or urine work to boost immunity against Covid-19, it is based entirely on belief,” ayon kay Dr. JA Jayalal, national president ng Indian Medical Association.