Site icon Pinoy Publiko

Pagreretiro pinag-iisipan na ni Pope Francis

VATICAN CITY, VATICAN - AUGUST 09: (EDITOR NOTE: STRICTLY EDITORIAL USE ONLY - NO MERCHANDISING). Pope Francis attends his weekly General Audience at the Paul VI Hall on August 09, 2023 in Vatican City, Vatican. Following his traditional July break, Pope Francis resumed his weekly General Audiences, and reflected on his recently-concluded Apostolic Journey to Portugal for World Youth Day in Lisbon. (Photo by Vatican Media via Vatican Pool/Getty Images)

POSIBLENG sundan umano ni Pope Francis ang ginawa ng kanyang predecessor na si Benedict XVI – ang magretiro.

Ngaunit nilinaw ng Papa na bagamat isa itong posibilidad, hindi anya ito mangyayari ngayon.

“Resignation is a possibility open to all popes,” ani Francis sa isang TV talk show sa Nove Channel sa Roma Linggo ng gabi.

“But at the moment it is not at the centre of my thoughts,” dagdag ni Francis.

Sakali mang magretiro siya, plano ni Pope Francis na bumalik sa Argentina na mahigit 10 taon na anyang hindi napupuntahan.

Matatandaan na ang sinundan ni Francis na si Benedict ay nagbitiw sa kanyang pwesto noong Pebrero 28, 2013 dahil sa isyu sa kanyang kalusugan.

(Getty Images)

Exit mobile version