PINANINIWALAANG nakaligtas sa banggaan ng isang pampasaherong jet at Black Hawk helicopter sa Washington, DC area Miyerkules ng gabi, ayon mismo kay US President Donald Trump.
Sinabi na ito ang pinakamalalang insidente sa US mula noong 2001.
“We are now at a point where we are switching from a rescue operation to a recovery operation,” ayon naman kay Washington Fire Chief John Donnelly sa isang press conference sa Reagan National Airport.
“At this point we don’t believe there are any survivors,” dagdag pa ni Donnelly, kasabay ang pagsasabi na 28 katawan na ang narekober, kabilang ang isa mula sa helicopter.
May 64 katao ang sakay ng jet na nagmula sa Wichita, Kansa, habang tatlo naman ang sakay ng helicopter.
Kabilang sa mga sakay ng eroplano ay ilang miyembro ng figure skating community na galing sa isang developmental camp sa Wichita, ayon sa Skating Club of Boston.