Nawawalang Fil-Am pinatay, inilibing ng asawang Kano

ARESTADO ang Amerikano na pinatay sa sakal saka ibinaon ang asawang Filipina sa Colorado, USA noong 2019.


Inamin ng suspek na si Dane Kalunggi ang ginawa niya sa kanyang misis na si Jepsy Amaga-Kalunggi at sinabing makikipagtulungan siya sa pulisya para matunton ang lugar kung saan niya ito inilibing.


Huling nakausap ng kanyang ina ang biktima dalawang taon na ang nakararaan nang magsumbong ito na lagi umano silang nag-aaway ng mister.


Mula noon ay wala nang narinig mula sa anak at manugang ang ginang.


Napag-alaman din ng ina na mula Colorado ay lumipat sa New Mexico si Kalunggi at tumangging makipag-usap sa kanya.


Nais naman ng pamilya ng biktima na maiuwi sa Pilipinas ang labi ng anak sakaling makita ito.