ISANG napakalakas na lindol ang tumama ngayong hapon sa Myanmar.
Ayon sa paunang ulat, umabot ng 7.7 magnitude quake ang yumanig sa Myanmar pasado alas-2 ng hapon Biyernes, Marso 28, 2025.
Dahil sa tindi ng lakas nito, umabot ang pagyanig hanggang sa Bangkok, Thailand.
Ilang gusali na rin ang naiulat na bumagsak at nasira.
Wala pang opisyal na pahayag ang Myanmar hinggil sa lawak ng epekto ng matinding lindol.