DAHIL sa sama ng loob, pumanaw ang mister ng isa sa mga guro na napatay sa Texas school shooting.
Base sa GoFundMe na binuo ni Debra Austin, pinsan umano ng gurong nasawi na si Irma Garcia, pumanaw ang mister ng huli na si Joe dahil sa heart attack.
“Joe has has tragically passed away this morning (5/26/2022) as a result of a medical emergency,” ayon sa post ni Austin.
“I truly believe Joe died of a broken heart and losing the love of his life,” pahayag pa ni Austin.
Sa isa namang tweet ni John Martinez, na nagpakilalang pamangkin ng biktima, sinabi nito:
“EXTREMELY heartbreaking and come with deep sorrow to say that my Tia (aunt) Irma’s husband Joe Garcia has passed away due to grief.”
Mahigit 24 taon nang mag-asawa ang biktima at si Joe.
Nasawi si Irma kasama ang isa pang guro na si Eva Mireles at 19 mga bata matapos silang pagbabarilin ng 18-anyos na si Salvador Ramos sa loob ng Robb Elementary School sa Uvalde, Texas.