Miss Grand Myanmar nag-walkout; korona, sahn nilamukos ng supporter

NAWINDANG ang publiko sa inasal ng team ni Miss Grand Myamar sa pagkatalo ng kanilang manok sa Miss Grand International coronation night nitong Biyernes.

Itinanghal na second runner-up si Thae Su Nyein ng Myanmar habang nakuha ni Miss Grand India na si Rachel Gupta ang korona at first runner-up naman ang kandidata ng Pilipinas na si CJ Opiaza.

Sa viral video, makikitang ibinababa sa stage ang umiiyak na Nyein ng MGI-Myanmar national director na si Lambe.

Maya-maya pa ay hinablot ni Lambe ang korona na nasa ulo ni Nyein bago tinanggal ang sash na kanya namang nilamukos bago ibinigay sa tauhan saka sila nagmamadaling lumabas ng venue.

Sey ng mga pageant fans:

“Kung makapag inarte naman tong Myanmar, akala mo powerhouse country eme.”

“Sore Loserrrr!!! accept the defeat.”

“They so use to getting the top place and the management and team wasn’t happy with the 3rd place received.”

“The level of disrespect and disappointment from Miss Grand Myanmar & the team being ungrateful.”