Miss Grand Myanmar binawian ng titulo

TINANGGALAN na ng titulo si Miss Grand Myanmar na itinanghal na second runner-up sa Miss Grand International 2024 kung saan pumuwesto bilang first runner-up ang kandidata ng Pilipinas sa CJ Opieza.

Bukod sa dami ng isyu na team ni Thae Su Nyaen, sinabi ng MGI owner na si Nawat Itsaragrisil na hindi nga karapat-dapat sa Myanmar ang 2nd runner-up placement pero ipinaglaban niya ito dahil may nakita siyang potensyal dito.

Gayunman, pahayag ni Nawat, hindi worthy sa MGI crown si Thae dahil “she is not brave enough to become number 1 because she is always not herself, surrounded by many people and has to act like a robot.”

Dagdag ni Nawat, hindi siya pipili ng isang Miss Grand International na hindi makakakilos nang hindi kasama ang kanyang crew at management.