McDonalds sa Indonesia dinumog dahil sa ‘BTS’ meal, ipinasara

DINUMOG ng sangkaterbang online delivery drivers ang mga McDonald’s chain sa Indonesia dahil sa bago nitong “BTS” meal.

Pero hindi naging maganda ang pangyayari dahil 13 McDonald’s chain ang ipinasara dahil sa pangamba na maging sanhi ito ng paglaganap ng coronavirus.

Iniutos ng pahalaan na isara ang 13 outlets ng nasabing fastfood chain dahil dinagsa nang napakaraming order ang kanilang mga tindahan para makapag-avail nang bagong kalalabas pa lamang na “BTS” meal.

Sa Pilipinas inaasahan na ilo-launch ang nasabing “BTS” meal ng McDonalds sa Hunyo 16.