Marcos nag-alok ng tulong sa Turkey, Syria na niyanig ng magnitude 7.8 lindol

NAG-ALOK ng tulong si Pangulong Bongbong Marcos sa Turkey at Syria matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa dalawabg bansa.

“The Philippines is ready to help in whatever way it can in responding to this disaster,” sabi ni Marcos sa isang tweet.

Umabot na sa mahigit 500 ang namatay matapos ang napakalakas na lindol na nangyari nang madaling araw ngayong Lunes kung saan natutulog pa ang mga tao.

“Our thoughts and prayers go to the peoples and governments of Türkiye and Syria following the strong earthquake that has claimed many lives and caused massive destruction to their countries,” dagdag pa ni Marcos.