Marcos binati ‘bago, lumang’ Prime Minister ng Malaysia

BINATI ni Pangulong Bongbong Marcos ang nagbabalik na Prime Minister ng Malaysia na si Anwar Ibrahim.

“I would like to congratulate my good friend Anwar Ibrahim on his election as Prime Minister of Malaysia. I look forward to the stability that his leadership will provide Malaysia and the region. My personal and official congratulations!” sabi ni Marcos sa kanyang mensahe kay Ibrahim.

Itinalaga si Ibrahim ni King Al-Sultan Abdullah matapos ang tatlong dekada sa politiko mula sa pagiging protege ng veteran leader na si Mahathir Mohammad hanggang makulong dahil sa pagkaka-convict sa kasong sodomy hanggang maging lider ng oposisyon at ngayon ay prime minister.