UMAPAW ang pakikisimpatya kay King Charles matapos itong ma-diagnose na meron itong cancer at nagsimula ang treatment, ayon sa Buckingham Palace nitong Lunes.
Inihayag ito isang linggo matapos lumabas ang 75-anyos na hari sa ospital at sumailalim sa prostate surgery.
Samantala, agad na nagparating din ng kanyang mensahe si Prince Harry sa kanyang ama at sinabing bibisitahin ito sa mga susunod na araw.
Sa US naninirahan si Prince Harry at misis na si Meghan.
Ayon sa ulat, naging maayos ang isinagawang procedure para sa benign prostate enlargement ni Charles.
Gayunman, “a separate issue of concern was noted,” ayon pa sa ulat.
Sa isinagawang mga tests, may nakita umanong “form of cancer”, ayon sa pahayag ng palasyo. Hindi naman tinukoy kung anong klaseng cancer ito.