MAGBIBIGAY ang Kamara ng donasyon na $100,000 para sa mga biktima ng lindol sa Turkey.
Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na kukunin ang pondo mula sa kanyang Disaster Relief and Rehabilitation Initiative.
Ang tulong ay bilang pasasalamat sa naunang ginawang pagtulong ng Turkey sa bansa noong manalasa ang super typhoon Yolanda.
“The assistance extended by Turkey, the United States and our allies and friends abroad helped ease the pain and suffering of our people,” sabi ni Romualdez.
Aniya, nakalikom ng P70.92 milyon cash at pledges nang simulan ang Disaster Relief and Rehabilitation sa kanyang ika-59 kaarawan noong Nobyembre 14.