Israel-Iran ceasefire now in effect, ayon kay Trump

INIHAYAG ni US President Donald Trump nitong Martes na “NOW IN EFFECT” ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

“THE CEASEFIRE IS NOW IN EFFECT. PLEASE DO NOT VIOLATE IT!” pahayag ni Trump sa kanyang Truth Social platform.

Paliwanag ni Trump na ang truce ay nakapaloob sa 24-hour processing phase na nagsimula 0400 GMT Tuesday, na dapat simulan ng Iran ang unilateral na pagpapahinto ng pag-atake at susundan naman ito ng Israel pagkalipas ng 12 oras.