NANAWAGAN ang Palasyo sa Amerika na tiyakin na mabibigyan ng hustiya ang Pinay nurse na napatay matapos atakihin ng isang palaboy sa Times Square sa New York City.
“All victims of violations of the right to life are entitled to a speedy domestic remedy ‘no. So, we appeal of course to the US administration to investigate and prosecute the killer of this Filipino nurse,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Naglalakad ang biktima na si Maria Luningning Ambrocio, 58, isang oncology nurse sa Bayonne Medical Center sa New Jersey, sa Times Square, New York nang suntukin ng isang palaboy, dahilan para bumagsak sa semento.
“So we call upon the US government to do what is incumbent upon any state where there is a killing,” ayon pa kay Roque.